Gatchalian hiniling ang pagbuo ng task force vs agri products smugglers, hoarders

By Jan Escosio January 10, 2023 - 12:22 PM

Senate PRIB photo

Ipinanawagan ni Senator Sherwin Gatchalian ang pagbuo ng task force na tutugis sa mga sangkot sa smuggling at hoarding ng mga produktong-agrikultural.

Aniya ang task force ay pamumunuan ng Department of Agriculture (DA) at kasama dapat ang National Bureau of Investigation (NBI).

“Obviously, there is a shortfall in supply of onions, but prices continue to climb even with the entry of additional supply in the market,” puna ni Gatchalian.

Paniwala ng senador may ilang indibiduwal o grupo na nagtatago ng mga sibuyas at nagmamanipula ng presyo.

Pagbabahagi ni Gatchalian na nakabili siya ng kalahating kilo ng sibuyas na halos P500 ang halaga.

“Hindi lang households ang natatamaan dito kundi pati mga maliliit na negosyante. Kailangang maimbestigahan ang issue ng smuggling sa bansa at masampahan ng kaso ang mga smugglers ng economic sabotage,” dagdag pa ng senador.

Sinabi pa nito na magpapatuloy lamang ang smuggling hanggang walang nakakasuhan na bigtime smugglers.

TAGS: news, Radyo Inquirer, task force, win gatchalian, news, Radyo Inquirer, task force, win gatchalian

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.