Umabot na sa mahigit 4,000 deboto ang nagtungo sa Quipo Church para makiisa sa kapistahan ng Poong Nazareno sa Enero 9.
Ayon sa ulat ng Manila Police District, as of 3:00 p.m., nasa 4,250 katao ang nasa Quiapo habang nasa 425 naman ang nasa Quirino Grandstand para sa “Pagpupugay” o ang pagpupunas ng panyo sa paa ng Poong Nazareno.
Ito na ang ikatlong taon na suspendido ang “Traslacion” dahil sa pandemya sa COVID-19.
Sa ngayon, wala namang naitatalang untoward incident ang MPD.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.