Umakyat na sa 52 ang bilang ng mga nasawi sa malawakang pag-ulan at pagbaha noong nagdaang Kapaskuhan.
Base sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ito ay matapos makumpirma ang isa pang nasawi.
Nabatid na 26 sa mga namatay ay sa Northern Mindanao, siyam sa Bicol region (9), lima sa Eastern Visayas, apat sa Zamboanga Peninsula at Davao region, tatlo sa Caraga (3), at isa sa Mimaropa.
May 18 katao pa ang nawawala, samantalang nasugatan ang 16.
Umabot na sa higit P100 milyon ang halaga ng pinsala sa kabahayan, samantalang sa mga imprastraktura naman ay P262 milyon at sa sektor ng agrikultura ay P243 milyon.
May 163,320 pamilya sa 10 rehiyon ang apektado,
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.