LTFRB nakatutok sa biyahe sa EDSA Bus Carousel

By Jan Escosio January 04, 2023 - 10:26 AM

Inoobserbahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang sitwasyon  sa EDSA Carousel matapos bawasan ang bilang ng mga bumibiyaheng bus.

Sa isang panayam, sinabi ni LTFRB Technical Division chief Joel Bolano na nakatutok sila para malaman kung kailangan na dagdagan ang bilang ng mga pinabibiyaheng bus.

Sa inilabas na board resolution ng ahensiya  na may petsang Disyembre 27, 2022, mula sa 758 ay ibinaba sa 550 ang bilang ng mga bumibiyaheng bus  simula noong Enero 1 bunga ng pagtigil ng Libreng Sakay program.

Ngunit una nang sinabi ni Sen. Sonny Angara na naglaan ng P2.16 bilyon sa 2023 national budget para sa PUV Service Contracting Program.

Ayon sa namumuno sa Senate Committee on Finance nakapaloob sa pondo ang P1.285 bilyon para sa ‘programmed appropriations’ at P875 million na ‘unprogrammed funds.’

May plano na isapribado ang EDSA Bus Carousel ngayon taon sabi pa ni Bolano.

 

 

 

 

TAGS: bus, edsa, libreng sakay, ltfrb, bus, edsa, libreng sakay, ltfrb

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.