Cash aid ng DSWD itutuloy pagdating ng pondo

By Jan Escosio January 03, 2023 - 07:12 PM

Itutuloy ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pamamahagi ng tulong-pinansiyal sa mga lubos na nangangailangan.

Ito ang pagtitiyak ni Asec.Romel Lopez at aniya hinihintay na lamang nila ang pagpapalabas ng pondo para maikasa muli ang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).

Ang pondo ay maaring mailabas na bago matapos ang kasalukuyang buwan.

Sinabi pa ni Lopez na sa ngayon ay maaring magamit muna ang ‘guarantee letter’ sa mga ospital o punerarya.

Dagdag pa ng opisyal karaniwang nangyayari ang pagkaantala sa pagpapalabas ng pondo para sa AICS pagpasok ng bagong taon.

TAGS: cash aid, dswd, cash aid, dswd

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.