China arrivals’ COVID 19 testing ipinakukunsidera ni Sen. Grace Poe
Nagpaalala si Senator Grace Poe ukol sa mga leksyon na itinuro ng hindi pagiging handa sa pandemya.
Ginawa ito ni Poe bunsod ng inaasahang pagbawi na ng travel restrictions ng mga magmumula sa China sa darating na Enero 8.
Dapat aniya ikunsidera ng gobyerno ang pangangailangan para sa COVID testing requirements ng lahat ng mga pasahero na darating sa Pilipinas mula sa China.
Sinabi ng senadora na ang US, UK, France, Canada, Japan, South Korea, India, Israel, Morocco, Italy at Spain ay ibinalik na ang ‘mandatory COVID tests’ sa lahat ng mga biyahero galing China.
“The Philippine government should decide definitively on the matter and inform all travelers beforehand,” aniya.
Hirit pa ni Poe; “The lack of proactive policies on the matter is concerning amid the rapidly developing situation overseas. Our experience in the past three years of the pandemic has shown that delayed and uninformed COVID-related policies are sometimes more deadly than the pandemic itself.”
Sinabi pa nito dapat magkaroon ng kumpiyansa sa mga hakbang na ginagawa ng gobyerno base sa mga leksyon na itinuro ng pandemya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.