Alma Concepcion, nagbigay ng salaysay sa NBI kaugnay sa rave party sa MOA

By Chona Yu June 09, 2016 - 07:31 PM

Alma Concepcion
Inquirer file photo

Nagbigay na ng salaysay sa National Bureau of Investigation-Death Investigation Division ang aktres na si Alma Concepcion kasama ang kaibigang abogado na si Atty. Patricia Caunan.

Ito ay matapos mag post ang dalawa sa kani-kanilang social media account na dumalo rin sila sa rave party sa Mall of Asia sa Pasay City kung saan limang concert goer ang nasawi dahil sa ilegal na droga.

Sa salaysay ni Concepcion, agad niyang napansin na ang babata ng mga dumalo sa concert at kakaiba ang galaw ng mga ito.

Naluha pa si Concepcion nang isalaysay niya na may isang babaeng teenager ang nag-collapse sa kanyang harapan.

Gayunman, wala namang nakita si Concepcion na may bentahan ng droga sa concert.

Napansin din ni Concepcion na ilan sa mga dumalo ay ngumunguya kahit walang kinakain, o umiikot ang mga mata.

Ipinakita rin ni Concepcion ang cellphone video na kanyang kuha sa concert.

Naroon sa concert si Concepcion para samahan ang menor de edad na anak at limang iba pa.

Sinabi naman ng kanyang kaibigan na si Atty. Caunan na nakakita sila ng mga gumagamit ng inhaler at may mga naka face mask din.

Samantala, dumating din sa NBI ang sinasabing kasintahan ni Bianca Fontejon na isa sa mga namatay sa concert para magbigay ng salaysay.

TAGS: MOA concert, MOA concert

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.