$23.6 bilyong investment, nakuha ni Pangulong Marcos sa limang foreign trips
Umabot sa $23.6 bilyong ang naiuwing investment ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa limang biyahe sa ibang bansa.
Ito ay ang pagbiyahe ng Pangulo patungong Indonesia, Singapore, Amerika, Cambodia at Thailand.
Ayon sa ulat ng Department of Trade and Industry, maraming dayuhang mamumuhunan ang nahikayat ni Pangulong Marcos na maglagak ng negosyo sa bansa.
Sinabi ng DTI na nagkaroon din ng combined approved investment ang Board of Investment at ang Philippine Economic Zone Authority ng P402 bilyon na maaring makalikha ng 54, 217 na trabaho mula sa 1,994 na investors.
Nakakuha rin ang BOI ng 90 foreign investment na nagkakahalaga ng P204.9 bilyon at makalikha ng 98,393 na trabaho.
Sinabi pa ng DTI na dahil sa active export recovery effort ng administrasyon, umabot sa $17.7 bilyong halaga ng exports services ang Pilipinas. Mas mataas ito ng 13.5 percent kumpara sa naunang record.
Nakakuha rin ang bansa ng $58.3 bilyonx exports sa goods kung saan tumaas ito ng 4.7 percent.
Natulungan din ng DTI ang 3,922 exporters.
Umaasa ang DTI na lalo pang makababawi ang investment at exports ng bansa sa susunod na taon bunga ng Public Service Act (PSA) and CREATE Act.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.