Duterte, nakiusap sa mga mambabatas na madaliin ang pagpasa sa death penalty at ChaCha sa 17th Congress
Personal na nakiusap si President-elect Rodrigo Duterte sa mga Kongresista na madaliin ang proseso sa panukalang death penalty sa 17th Congress at Charter Change o Cha-Cha.
Ayon sa nagbabalik-Kamara at maugong na Minortiy Leader sa susunod na Kongreso na si Quezon Rep. Danilo Suarez, naging highlight sa pulong sa pagitan ni Duterte at mga Mambabatas sa agarang pag-aksyon ng Kongreso sa mga itinuturing na priority bills.
Sinabi ni Suarez na ang death penalty at Cha-Cha sa pamamagitan ng Constitutional Convention o Con-Con ay kapwa sesertipikahan bilang urgent bills.
Ani Suarez, may bilin din si Duterte na magtakda ng term para sa completion ng convention para sa Cha-Cha.
Pagdating naman sa death penalty, kailangang gumawa ang Kamara ng implementing rules and regulations hanggang sa mapadali na ang pagpasa sa panukala.
Pagkatapos nito, uubra nang pag-usapan ang isyu sa age bracket at age of criminal liability.
Kasama aniya sa posibleng maharap sa death penalty ay ang mga guilty sa kidnapping, rape, drugs, terorismo at plunder.
Pero sinabi ni Suarez na depende pa rin ang lahat sa mabubuong bersyon sa Kamara at mai-aakyat sa plenaryo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.