LGUs pinaglalagay ng common area para sa fireworks display
Hinimok ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang local government units na maglagay ng common area para sa mga paputok o fireworks display.
Sa ganitong paraan, sinabi ng Pangulo na mababawasan ang bilang ng firecracker injuries.
Ayon sa Pangulo, sa halip na payagan ng LGUs na magkaroon ng sariling fireworks o paputok ang mga residente, mas makabubuti na magkaroon na lamang ng fireworks display.
“I will enjoin the LGUs, instead of allowing our people to have their own firecrackers, gumawa na lang kayo ng magandang fireworks display para sa inyong mga constituent,” pahayag ng Pangulo.
Babala ng Pangulo, mapanganib ang paputok dahil sa peligrong dulot sa kalusugan.
Bukod ditto, maari ring magresulta ng reckless ay indiscriminate na paggamit ng paputok.
“Huwag muna tayong magpaputok at alam naman natin kung minsan delikado ‘yan. Lalo ngayon at maglalabas sila ng mga paputok na hindi natin alam kung saan galing, kung maayos ang pagkagawa,” pahayag ng Pangulo.
Una nang sinabi ng Department of Health na bumababa na ang bilang ng mga nasusugatan dahil sa paputok.
Nasa 122 na kaso ng firecrackers injuries ang naitala noong 2020 habang nasa 128 naman ang bilang ng mga nasugatan noong nakaraang taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.