Pagbuhay sa death penalty, tinutulan ni Drilon
By Jong Manlapaz June 09, 2016 - 04:18 PM
Tutol si Senate President Franklin Drilon sa layunin ni President elect Rodrigo Duterte na ibalik ang death penalty sa bansa.
Ayon kay Drilon, hindi perpekto ang justice system sa bansa, kaya’t posibleng magkaroon ng error sa pagpapatupad ng parusang bitay.
Dagdag pa ni Drilon, hindi na maitatama pa kapag nagkaroon ng pagkakamali na mabitay ang isang taong inosente.
Gayunpaman, handa naman aniya siyang makinig at pakinggan ang magiging posisyon ng mas nakakarami sa death penalty.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.