Mga bisita sa Christmas display sa Malakanyang, sinorpresa ni Pangulong Marcos

By Chona Yu December 22, 2022 - 06:54 AM

 

Sinorpresa ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga pamilyang bumibisita sa sa Palasyo ng Malakanyang at nanonood ng Christmas tree at lantern displays sa Kalayaan Grounds.

Pasado 8:00 kagabi, patungo sana ang Pangulo sa opisina ng Radio and Television Malacañang (RTVM) para pulungin ang personnel nang biglang huminto at makipag-kamay at makipagpa-picture sa mga bisita.

Karamihan sa mga nagtungo sa Palasyo kagabi ay galing pa ng Cavite at Laguna.

Ikinatuwa naman ito ng mga bisita at binate pa ang Pangulo ng “Merry Christmas.”

Isa sa mga bisita ay si Ben Aguilar na galing pa ng Muntinlupa City.

“Very happy kasi open siya sa public, at iyon naman ang nakakatuwa dahil ang minimithi ng tao ang lider na abot-kamay (I am very happy because the Palace is open to the public. And it is quite amusing as the public looks up to a leader who is within reach),” pahayag ni Aguilar.

Bukas ang Malacañang Palace Grounds para makita ang Malacañang Christmas Tree at parols ng 7:00 ng gabi hanggang 6:00 ng umaga.

Binuksan ng Pangulo ang Palasyo ng Malakanyang para sa mga nagnanais na makiisa sa Simbang Gabi hanggang sa Disyembre 24.

Binuksan ng Pangulo ang Palasyo ng Malakanyang para magkaroon ng pagkakataon ang mga Filipino lalo na ang mga bata na maging masaya ang Pasko.

Sa pinakahuling talaan, umabot na sa mahigit 2,000 katao angg bumisita sa Palasyo ng Malakanyang para panoorin ang Christmas displays at dumalo sa Simbang Gabi.

 

 

TAGS: Christmas, Ferdinand Marcos Jr., news, Pasko, Radyo Inquirer, Christmas, Ferdinand Marcos Jr., news, Pasko, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.