P5 million reward money ni Duterte sa makapapatay sa drug lord, pinaboran ng isang senador
Suportado ni Sen. Sonny Angara ang pagbibigay ng reward money ni President elect Rodrigo Duterte sa kada drug lord na mapapatay.
Ayon kay Angara, malala na ang problema sa ipinagbabawal na gamot sa bansa.
Hangga’t wala aniyang nalalabag na karapatang pantao ay mabuti ang layunin ni Duterte laban sa ilegal na droga.
“So long as walang violation ng human rights ok yun, grabe na ang problema sa droga ngayon” ani Angara.
Matatandaang sa ginawang thanksgiving party sa Cebu, sinabi ni Duterte na magbibigay siya ng 5.5 milyong piso sa sinumang makakapatay ng drug lord.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.