Nailigtas ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard ang 15 pasahero ng nagkaaberyang Bangka sa 14 nautical miles southeast ng Mangingisda, Puerto Princesa, Palawan.
Nabatid na nakatanggap ng tawag ang PCG District Palawan na nagpapasaklolo ang mga pasahero.
Galing ng Cagayancillo ang bangka at patungo sana sa Puerto Princesa City nang magkaaberya ang makina.
Agad naman na ipinadala ng PCG ang BRP Kalanggaman (FPB-2404) para magsagawa ng rescue at towing operations.
Binigyan ng medical at transportation assistance ng PCG ang mga pasahero pagdating sa Rasa Island sa Narra, Palawan.
Nagbigay din ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO)-Narra at Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO)-Narra ng pagkain at tubig ang mga pasahero.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.