Nangangailangan ngayon ang Department of Information and Communications Technology (DICT) ng cybercrime professionals.
Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni DICT Secretary Ivan Uy na sa ngayon, nasa 200 lamang ang cybercrime professionals mayroon ang Pilipinas.
Nasa tatlong milyong professionals aniya ang kailangan ngayon sa buong mundo.
Kaya naman, puspusan ang DICT sa pagsasagawa ng short course training at programs para sa cybersecurity at software engineering.
Isang bansa aniya ang nagtanong na sa Pilipinas kung kayang mag-supply ng Pilipinas ng 100,000 na software engineers.
Hindi maikakaila ayon kay Uy na kilala ang Pilipinas na may pinakamagagaling na hackers sa cyberspace.
Kaya ayon kay Uy, nais niya itong i-redirect at gawing cybercrime professionals para mapakinabangan ng pamahalaan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.