AFP, wala pa rin impormasyon kung binayaran ang ransom kapalit ng pagpapalaya ng 4 na Malaysians

By Ruel Perez June 09, 2016 - 02:45 PM

Malaysians
Inquirer file photo

Wala pa rin impormasyon na maibigay ang pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kung nagbayad na ng ransom ang kaanak ng apat na Malaysians na pinalaya ng mga bandidong Abu Sayyaf sa probinsiya ng Sulu.

Ayon kay AFP spokesperson Brigider Gen. Restituto Padilla, hanggang ngayon ay nasa proseso pa rin ang militar sa pag-validate hinggil sa nasabing report.

Una ng lumabas sa report na nagbayad ng ransom ang mga kaanak ng apat na Malaysian kapalit ng kanilang kalayaan.

Matatandaan na nasa P200 million ransom ang hinihingi ng ASG kapalit ng kalayaan ng apat na dayuhang bihag.

Kaagad na pinauwi sa Sandakan Malaysia ang mga nasabing binihag matapos na palayain kahapon ng mga rebeldeng grupo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.