Revilla gustong magkaroon ng 13th month pay mga gov’t contractual workers
By Jan Escosio December 20, 2022 - 01:36 PM
Naghain ng panukala si Senator Ramon ‘Bong’ Revilla para mabigyan ang government contractual workers ng 13th month pay.
Katuwiran ni Revilla malaki at mahalagang serbisyo ang ibinibigay maging ng ‘contractuals’ kayat makatuwiran na na matanggap din nila ang nabanggit na benepisyo.
“Ang trabaho nila ay kasing bigat ng trabaho ng mga regular. Walang duda, sila rin ay kasing sipag ng ibang kawani ng gobyerno. Kaya nararapat lamang na bigyan rin natin sila ng benepisyo na natatanggap ng mga regular employee,” sabi pa ng senador.
Banggit niya, may 642,077 manggagawa sa gobyerno na nasa ilalim ng contract-of-service’ o job order hanggang noong Hunyo 30, ngayon taon.
Ang bilang ay mula sa pag-imbentaryo ng Government Human Resources.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.