17th Las Piñas Parol Festival winners tumanggap ng premyo Villar SIPAG Foundation

By Jan Escosio December 16, 2022 - 10:53 PM

Mula sa ikatlong henerasyon na ng gumagawa ng parol sa lungsod ng Las Piñas ang ‘grand prize winner’ ng  17th Las Piñas Parol Festival ngayon taon.

Tumanggap ng P20,000 si Richard Loverez mula sa Villar SIPAG Foundation nina Sen. Cynthia Villar at   Las Piñas City Rep. Camille Villar.

Samantala, ang second prize na P15,000 ay nakuha ni Alicia Flores at P10,000 naman ang third prize na natanggap ni Luzviminda Gallardo.

Sila ay pawang kasapi ng Samahan ng Magpaparol ng Las Piñas.

“Natutuwa kami kasi three generations livelihood ng aming taga Las Piñas ang parol making. We are very happy  that we preserved it ng tatlong henerasyon. So yung mga batang nananalo ngayon mga apo na ‘yan nung unang nag-parol,” aniya.

Dagdag pa ni Villar maganda na naipapasa ang mga natatanging tradisyon ng mga Filipino tuwing Kapaskuhan.

Dagdag pa ng senadora tuloy-tuloy ang kanilang patimpalak para matiyak na itutuloy ng susunod na mga henerasyon ang natatanging tradisyon ng lungsod.

Ang tatlong nagwaging parol kasama ang 11 pang ibang higanteng parol ay magiging palamuti sa Villar SIPAG Complex sa lungsod.

Nakadagdag kasiyahan sa patimpalak ngayon taon ang pagbabalik ng face-to-face awarding na hindi nagawa sa nakalipas na dalawang taon dahil sa pandemya.

Natatangi ang mga parol dahil binuo ang mga ito at ginawang makulay gamit ang ibat-ibang recyclable materials.

Bukod dito, isinagawa din sa lungsod ang kauna-unahang inter-school chorale contest.

TAGS: parol, Pasko, Villar, Villar Sipag Foundation, parol, Pasko, Villar, Villar Sipag Foundation

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.