11:30AM update: Thunderstorm advisory itinaas ng PAGASA sa Laguna at Pampanga

By Dona Dominguez-Cargullo June 09, 2016 - 12:16 PM

thunderNagpalabas ng thunderstorm advisory ang PAGASA sa lalawigan ng Laguna at Pampanga.

Ayon sa abiso ng PAGASA na inilabas alas 11:30 ng umaga, makararanas ng pag-ulan na may kasamang pagkulog at pagkidlat sa lalawigan ng Laguna at sa Lubao, Pampanga sa susunod na isa hanggang dalawang oras.

Samantala sa lalawigan ng Quezon, Batangas at sa iba pang bayan sa Laguna at Pampanga ay makararanas din ng thunderstorm sa susunod na isa hanggang dalawang oras.

Samantala, mahina hanggang sa katamtaman naman na kung minsan ay malakas na pag-ulan ang nararanasan sa Parañaque City at Las Piñas; Sangley, Cavite; Norzagaray, Bulacan; Antipolo, Tanay at Rodriguez, Rizal; Tarlac, Bataan at bahagi ng Zambales at Batangas.

Payo ng PAGASA sa publiko, mag-antabay sa susunod na abiso ng weather bureau.

 

 

TAGS: 11:30AM thunderstorm, 11:30AM thunderstorm

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.