Alegasyon ng pagpatay sa high-profile prisoners hihimayin ng NBI
Tiniyak ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na bubusisiin ng husto ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga alegasyon ng isang bilanggo na ang high-profile inmates sa pambansang-piitan na napa-ulat na namatay sa COVID 19 ay sinadyang pinatay.
“Witness testimony can be credible. We have to test it,” ani Remulla.
Sinabi pa ng kalihim na nasa kustodiya na ng NBI ang bilanggo na nagbunyag ng pagpatay sa high-profile prisoners.
“Ang mahalaga lang naman access ng investigators sa PDLs since we all belong to the same department. It’s a matter of coordinating them so that the rights are respected and due process is observed in every event,” sabi pa ni Remulla.
Hihintayin niya muna ang ulat ng NBI bago siya gagawa ng mga kinauukulang hakbang.
Dagdag pa ni Remulla maari naman magsampa ng mga kaso ang NBI kung may mabigat at konkretong pagbabasehan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.