P9.8 bilyong investment, naiuwi ni Pangulong Marcos matapos ang biyahe sa Belgium

By Chona Yu December 16, 2022 - 08:12 AM

 

Aabot sa P9.8 bilyong investment ang naiuwi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. matapos ang biyahe sa Brussels, Belgium.

Sa arrival speech, sinabi ni Pangulong Marcos na nakuha niya ang investments matapos ang pakikipagpulong sa world leaders at European business officials sa Association of Southeast Asian Nations at European Union Commemorative Summit.

Dumating sa bansa si Pangulong Marcos bandang 7:00 kagabi.

Ayon sa Pangulo, naging mahalaga ang business roundtable dahil naging venue ito para ma-renew ang ugnayan ng Pilipinas sa European business communities.

“I am also pleased to announce that European business confidence in the Philippines is high as evidenced by the expansion plans of European companies that we met in the sectors of fast moving consumer goods, ship building, renewable energy, and green metals,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Kabilang sa mga negosyante na nangakong maglalagak ng negosyo sa bansa ang sa sektor ng renewable energy, infrastructure, food security, at climate change initiatives.

“With European technology and innovation with Filipino talent and ingenuity and industry we will be working in addressing some of our key economic challenges,” dagdag ng Pangulo.

Nakausap din ng Pangulo ang ilang ship owners sa Europe.

Nangako aniya ang mga ito na tutulong sa Pilipinas para makasunod sa standards ng European Maritime Safety Agency (EMSA).

Matatandaang makailang beses nang nasita ng European Union ang Pilipinas dahil hindi nakapapasa sa training at edukasyon ang mga Filipino seafarer.

 

TAGS: Belgium, Ferdinand Marcos Jr., Investment, news, Radyo Inquirer, Belgium, Ferdinand Marcos Jr., Investment, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.