Maharlika Investment Fund Bill lumusot sa Kamara
Naaprubahan sa third and final reading sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang isinusulong na Maharlika Investnment Fund (MIF).
Ang itinutulak na ‘sovereign fund’ ng Pilipinas, na nakapaloob sa House Bill 6608, ay sinang-ayunan ng 279 mambabatas, samantalang anim naman ang kontra.
Si House Speaker Martin Romualdez ang nagdeklara na naaprubahan na ang naturang panukala.
Ang pagboto ay nanganap tatlong oras makalipas maaprubahan sa ‘second reading’ ang panukala.
Bago pa ito, natanggap mula sa Malakanyang ng pamunuan ng Kamara ang sertipikasyon na ‘urgent’ ang panukala.
Inihain ito noon lamang Nobyebre 28 at pinagdebatehan lamang noong nakaraang Lunes, Disyembre 12.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.