BJMP ibinalik ang face-to-face visit sa mga kulungan
Makalipas ang dalawang taon, personal nang makakaharap ng persons deprived of liberty (PDLs) ang kanilang mga kaanak simula ngayon Kapaskuhan.
Ito ang inanunsiyo ni BJMP spokesman, Jail Col. Xavier Solda dahil aniya nagluwag sila ng alintuntunin.
Giit lamang aniya mahalaga pa rin ang kaligtasan ng mga detenido, gayundin ng mga bisita sa katuwiran na nananatili ang pandemya.
Kailangan lang aniya na fully vaccinated ang mga bisita.
“Dapat sila ay magdala ng ID na sila ay nabakunahan. Ngayon yung iba for health reasons or religious beliefs, hindi sila nagpabakuna, kakailanganin nila na magdala ng negative na resulya ng RT_PCR within 72 hours ng kanilang pagbisita at within 24 hours naman ang resulta ng negative antigen test,” ani Solda.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.