DOH: Maliit lang ang porsiyento ng nasayang na COVID 19 vaccines
By Jan Escosio December 14, 2022 - 03:54 PM
Iginiit ng Department of Health (DOH) na maliit na porsyento lang ng biniling bakuna ng pamahalaan ang nasayang.
Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, sinabi ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na sa 134 million doses na biniling COVID-19 vaccines ng gobyerno, 2.9 million doses lang dito ang inabot ng expiration o nasa 2.97% na vaccine wastage.
Katumbas ito ng P1.99 billion na halaga kung ang bawat dose ng bakuna ay ipapalagay na nagkakahalaga ng P500.
Dagdag pa ni Vergeire sa kanilang imbentaryo, sa 44 million na nasayang na bakuna malaking porsyento dito ay vaccine wastage sa private sector na nasa 44.82% habang 33.34% naman sa mga LGUs.
Samantala, sa pagbibigay naman ng second booster sa general population, hinihintay pa ng ahensya ang dagdag na pag-aaral tungkol dito.
Sa pagbili naman ng bivalent vaccine, plano ng DOH na bumili ng 5 million doses sa susunod na taon subalit hinihintay pa ng ahensya ang ’emergency use authorization’ o EUA mula sa Food and Drug Administration (FDA).
Nais din ng DOH na ubusin muna ang natitirang suplay ng bakuna sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.