Bahagi ng Roxas Boulevard isasara sa Linggo

By Erwin Aguilon June 09, 2016 - 11:00 AM

Kuha ni Erwin Aguilon
Kuha ni Erwin Aguilon

Inabisuhan ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU) ang publiko kaugnay sa pagsasara ng Roxas Boulevard sa Maynila sa araw ng Linggo para bigyang daana ng mga aktibidad sa paggunita sa ika-118 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan sa bansa.

Sa Hunyo a-dose, mula alas 8:00 ng umaga hanggang alas 10:00 ng umaga, sarado ang magkabilang lane ng Roxas Boulevard mula sa Katigbak Drive hanggang sa TM Kalaw.

Ito ay dahil sa isasagawang mga programa sa Rizal Monument.

Ang mga sasakyang patungo ng Southern Metro Manila na gagamit ng Roxas Boulevard ay pwedeng dumaan sa P. Burgos Street, kanan sa Maria Orosa patungo sa destinasyon.

Habang ang mga galing South at patungo ng Maynila ay pwede namang kumanan sa Kalaw, kakaliwa sa P. Burgos Street hanggang makarating sa Bonifacio Drive paglagpas ng Luneta.

 

:

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.