Sen. Grace Poe nais ng mas malinaw at matatag na verification process sa SIM registration
Nalalabuan si Senator Grace Poe sa ‘verification process’ sa implementing rules and regulation (IRR) ng RA 11934 o ang SIM Registration Act.
Diin ni Poe napakahalaga ng ‘verification process’ dahil ito ang unang depensa laban sa maling paggamit ng mobile telecommunication systems sa usapin ng pambansang seguridad gayundin laban sa ‘identity theft.’
“A strong and definite verification process like what we see in standard Know-Your-Customer (KYC) procedures is a proactive guard against possible abuse in the system,” aniya.
Pagtitiyak din ng senadora na masusing magbabantay ang Kongreso sa istriktong pagpapatupad ng batas, na ang layon ay maiwasan na ang mga krimen na isinasagawa sa pamamagitan ng paggamit ng device na may SIM, partikular na ang cellphone.
Gayunpaman, pinuri pa rin ni Poe ang National Telecommunications System (NTC) sa mabilis na pagbalangkas ng IRR ng RA 11934.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.