Sindikato tinitingnan ng DA sa mataas na presyo ng sibuyas

By Jan Escosio December 14, 2022 - 09:13 AM

BOC File Photo

 

Pinaniniwalaan ng Department of Agriculture (DA) na may sindikato na nasa likod ng ilegal na pag-iimbak ng pulang sibuyas kayat napakataas ng presyo nito.

Sinabi ni Rex Estoperez, deputy spokesperson ng DA, kadalasan na mababa na ang presyo ang sibuyas kapag panahon ng anihan ngunit maaring itinago ng sindikato ang mga sibuyas.

“Hindi bumababa ang presyo even though ine-encourage natin yung mga nagtatago ng pulang sibuyas. Doon sa ibang markets, may bahagya lang, pero napakakaunti,” aniya.

Dagdag nito na bibisita sila sa Nueva Ecija para subaybayan ang pag-ani ng sibuyas at madagdagan ang suplay sa merkado.

Tiniyak pa niya na may sapat na suplay ng sibuyas ngayon Kapaskuhan.

“Lagpas naman po tayo sa ating supply. ‘Yun nga lang ang question pa rin doon, yung presyo,” aniya.

TAGS: Agriculture, DA, news, Radyo Inquirer, Rex Estoperez, sibuyas, smuggling, Agriculture, DA, news, Radyo Inquirer, Rex Estoperez, sibuyas, smuggling

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.