Save Fabella Movement patuloy ang barikada sa Fabella Hospital

By Erwin Aguilon June 09, 2016 - 10:17 AM

Nananatili pa ring nakabarikada ang mga miyembro ng Save Fabella Movement sa harap ng Dr. Jose Fabella Memorial Hospital sa Sta Cruz, Maynila.

Ayon kay Jocelyn Andamo, isa sa convenor ng Save Fabella Movement ngayon ang nakatakdang araw ng paggiba sa gusali ng tinaguriang “Paanakang Bayan”.

Sinabi ni Andamo na pipigilan nila ang tangkang paglalabas ng mga gamit ng nasabing ospital.

Tuloy- tuloy aniya ang barikadang bayan na kanilang ginagawa dahil sa wala namang malinaw na lilipatan ang mga pasyente at mga health workers ng ospital sapagkat ginagawa pa ang bagong Fabella Hospital sa compound ng Department of Health (DOH).

Sa pagtaya ng Save Fabella Movement tatagal pa ng dalawa hanggang tatlong taon ang konstruksyon ng bagong gusali ng ospital.

Gayunman, nilinaw ni Andamo na hindi sila kontra sa modernisasyon, bagong pasilidad at pagpapaunlad ng sebisyo para sa tao ng Fabella Hospital.

Kinakailangan lang aniyang matiyak na hindi maaapketuhan ang libreng serbisyo para sa mga mahihirap.

TAGS: fabella hospital, fabella hospital

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.