Senado inaprubahan na ang Filipino citizenship ni Ginebra import Justin Brownlee

By Jan Escosio December 13, 2022 - 05:53 AM

SENATE PRIB PHOTO

Lumusot na sa third and final reading ang panukala na bigyan ng Filipino citizenship si American basketball player Justin Brownlee.

Sa ngayon, si Brownlee ang import ng Barangay Ginebra sa Philippine Basketball Association (PBA).

Walang tumutol sa 21 senador sa panukala, na ang layon ay makapagpalaro bilang miyembro ng Gilas Pilipinas si Brownlee.

Una nang naaprubahan sa Mababang Kapulungan ang panukalang makilala bilang Filipino si Brownlee.

Unang naglaro sa Ginebra si Brownlee noong 2016 at naibigay nito sa naturang koponan ang limang kampeonato at dalawang ulit na pinarangalan bilang ‘Best Import.’

Nasa kamay na ni Pangulong Marcos Jr., ang pag-apruba sa panukala upang ganap na maging batas.

Samantala, tiwala si Sen. Sonny Angara, isa sa mga awtor ng panukala, na malaki ang maiaambag ni Brownlee sa kampaniya ng Gilas Pilipinas sa FIBA World Cup Asian Qualifiers.

“We would like to express our gratitude to our colleagues here in the Senate and the House of Representatives who gave their full support to the naturalization of Brownlee. After several years of playing as an import in the PBA, Brownlee has now deemed the Philippines as his second home and has demonstrated a strong desire to contribute to the country as a future player of our Gilas Pilipinas squad,” ani Angara, na siya rin chairman ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP).

Ang iba pang naghain ng panukala para sa naturalization ni Brownlee ay sina Sens. Ronald Dela Rosa, Bong Go, at Majority Leader Joel Villanueva, at ang mga ito ay tinalakay ng  Committee on Justice and Human Rights, na pinamumunuan ni Sen.  Francis Tolentino.

TAGS: filipino, Gilas Pilipinas, naturalized, Senate, filipino, Gilas Pilipinas, naturalized, Senate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.