Higit 3,500 sertipiko ng lupa ibibigay ng DAR sa mga magsasaka sa North Cotabato

By Jan Escosio December 09, 2022 - 07:12 PM
Bukas, Diyembre 10, mamamahagi ang Department of Agrarian Reform (DAR) ng kabuuang 3,524 certificates of land ownership award (CLOAs) sa mga agrarian reform beneficiaries sa Kidapawan, North Cotabato. Pangungunahan  ni Sec. Conrado Estrella III ang distribusyon ng mga sertipiko. “I will personally deliver these land titles to give them hope, to let them feel that the government is here ready to give them help and support,” aniya. Ayon pa kay Estrella, ito ay patuloy na pagtupad sa pangako ni Pangulong Marcos Jr., na tutulungan  at papaunlarin ang mga magsasaka sa bansa.  Sa kabuuan, tinatayang  6,103 ektaryang lupang pang-agrikultura ang sakop ng ipamamahagi upang makatulong sa pagyabong ng sektor ng agrikultura sa naturang rehiyon.

TAGS: Agriculture, DAR, farmers, land reform, Agriculture, DAR, farmers, land reform

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.