Holiday season rate hike inanunsiyo ng Meralco

By Jan Escosio December 09, 2022 - 06:33 PM

Dumagdag pa ang halaga ng kuryente sa dagdag na pagkakagastusan ng mga konsyumer ngayon Kapaskuhan.

Inanunsiyo ng Meralco ang karagdagang 33 sentimo kada kilowatt hour kayat aangat sa P10.2769/kwh mula sa P9.9472/kwh.

Kayat ang konsyumer na gumagamit ng 200 kwh kada buwan ay magbabayad ng karagdagang P66, P99 sa mga gumagamit ng 300 kwh at P132 sa 400 kwh

“This month’s overall rate increase was mainly due to the completion of a distribution-related refund equivalent to ₱0.4669 per kWh for residential customers,” ayon sa Meralco.

Nabatid na may refund pa na mangyayari, bago matapos ang taon, sa Enero at Mayo, 2023.

Tumaas din ang transmission rates dahil sa pagtaas ng service charges ng National Grid Corporation of the Philippines, ngunit  natapyasan naman ang generation charges dahil sa karagdagang suplay  bunga nang pagbabalik operasyon  ng First Natgas-San Gabriel plant sa Batangas noong Oktubre 15.

TAGS: Meralco, ngcp, power rate hike, transmission, Meralco, ngcp, power rate hike, transmission

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.