PBBM, may magandang inaasahan sa ekonomiya sa pagbaba ng unemployment rate

By Chona Yu December 09, 2022 - 03:28 PM
May magandang inaasahan ni Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. para sa ekonomiya ng bansa makaraang bumaba ang unemployment rate noong Oktubre. Ginawa ni Pangulong Marcos ang pahayag sa isang video message, kung saan tiniyak niya sa mga Filipino na pagagaanin ang kanilang pasanin, sa gitna ng mga kasalukuyang pagsubok, lalo na ang tumataas na presyo ng mga bilihin. “Ang balita na tumaas ang inflation rate na hanggang eight percent last November. Mayroon naman kasabay na mas magandang balita na bumaba ang unemployment rate sa four and a half percent mula sa five percent,” sabi ng Pangulo. “Kaya’t kahit papaano ay malakas ang loob natin na hindi tayo magkakaroon ng recession dito sa Pilipinas dahil masyadong mababa ang unemployment rate at kung maaalala ninyo sa pagsimula namin dito sa administrasyong ito ay pinag-usapan na namin ay trabaho talaga ang aming uunahin. Kaya’t ‘yan ang nakikita ngayon natin na nangyayari. Ipagpatuloy lang natin ‘yan,” pagbibigay diin pa niya. Tiniyak ng Punong Ehekutibo na humahanap ng mga paraan ang kanyang administrasyon upang mapagaan ang epekto ng mataas na presyo ng mga pangunahing bilihin sa mga ordinaryong Filipino. “At asahan ninyo na lahat ng paraaan na maari nating  gawin ay gagawin natin para pababain ang inflation rate at gawing mas mabagal man lang ang pagtaas ng presyo,” pagtitiyak ni Pangulong Marcos. Batay sa preliminary results ng latest labor force survey ng Philippine Statistics Authority’s (PSA), bumagsak sa 4.5 percent ang unemployment rate noong Oktubre kumpara sa 7.4 percent noong October 2021 at 5 percent noong Setyembre.. Lumitaw sa PSA survey na nabawasan sa 2.24 million ang bilang ng unemployed Filipinos noong Oktubre mula sa 3.5 million noong nakaraang taon. Nakasaad din sa survey na lumobo sa 95.5 percent ang employment rate noong Oktubre mula sa 95 percent noong Setyembre, na pinakamataas na naitala simula noong January 2020.

TAGS: Ferdinand Marcos Jr., news, Radyo Inquirer, unemployment rate, Ferdinand Marcos Jr., news, Radyo Inquirer, unemployment rate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.