Tapyas sa presyo ng krudo, gasolina at kerosene bukas

By Jan Escosio December 05, 2022 - 05:06 PM

Muling magkakaroon ng pagbawas sa presyo ng mga produktong-petrolyo ngayon linggo.

Sa magkakahiwalay na anunsiyo, matatapyasan ng P1.95 kada litro at P1.90 kada litro ang presyo ng gasolina at diesel ng Seaoil, Petro Gazz, PTT Philippines, Caltex, at Clean Fuel.

Ayon pa sa Seaoil at Caltex, P1.65 kada litro ang ibaba ng presyo ng kanilang kerosene,

Ngayon taon, ayon sa Department of Energy (DOE), tumaas ng P17.75 ang kada litro ng gasolina, P33.85 naman sa diesel at P27.85 sa kerosene.

Inaasahan na magkakaroon din ng ‘price rollback’ sa kanilang mga produktong-petrolyo ang ibang kompaniya ng langis.

TAGS: diesel, DOE, gasolina, kerosene, Price Rollback, diesel, DOE, gasolina, kerosene, Price Rollback

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.