Panukala laban sa distracted driving, malapit nang maging batas
Naghihintay na lamang ng pirma ni outgoing President Noynoy Aquino ang panukalang Anti-Distracted Driving Act.
Ito’y matapos i-adopt ng Senado ang panukala, sa huling araw ng sesyon para sa 16th Congress.
Ang Senate Bill 3211 ay amyenda sa House Bill 4531 o Anti-Distracted Driving Act na ini-akda ni re-electionist Catanduanes Rep. Cesar Sarmiento, at naglalayong i-regulate ang paggamit ng communication devices o electronic gadgets habang nagmamaneho.
Sa adopted Senate bill, itinuturing bilang distracted driving ay ang paggamit ng mobile devices, mapa-text man o tawag, at paggamit ng electronic gadgets para sa paglalaro, internet browsing at panunuod ng pelikula.
Nakasaad pa sa adopted bill ang probisyon na liable party ang may-ari ng sasakyan o operator, at offending driver.
Kapag naging ganap na batas, ang mga violator ay papatawan ng P5,000.00 sa unang opensa; P10,000.00 sa second offense, at P15,000.00 sa third offense.
Sa final offense, kakanselahin na ang driver’s license, bukod pa sa parusang P20,000.00.
Exempted naman, sa ilalim ng panukala, ang mga driver na gumagamit ng hands-free function at mga sasakyan na hindi naka-biyahe.
Sakop din sa probisyon ang mga wheeled agricultural machineries, construction vehicles, maging mga bisikleta, pedicabs, trolleys, “habal-habal”, “kuliglig”, human at animal-powered carriages.
Isang nationwide public information campaign naman ang isasagaw sa loob ng anim na buwan upang matiyak na effectivity ng batas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.