Isa sa mga most wanted drug suspect sa Gensan, patay sa mga pulis
Patay ang isa sa most wanted ng PNP Region 12 dahil sa droga matapos umanong makipagbarilan sa mga pulis na magsisilbi sana ng search warrants sa Bgy. Sinawal, General Santos City.
Sa impormasyon mula kay Supt. Romeo Galgo, tagapagsalita ng Central Mindanao Regional Police Office, kinilala ang suspek na si Conrado Daffon Medino na subject ng isa sa mga search warrants na ipinalabas ng korte.
Gayunman, nang isisilbi na ng mga otoridad ang search warrants kay Medino at sa iba pa nitong mga kasamahan, nanlaban umano ito at nagpaputok ng baril dahilan para gumanti ng putok ang mga pulis at napuruhan ang suspek
Narecover sa bahay ni Medino ang isang kalibre 45 ng baril mga bala at walong heat sealed plastic sachets ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng tatlong milyong piso, assorted drug paraphernalia, walong motorsiklo, isang plastic bag na naglalaman ng mahigit 3 daang libong piso, timbangan, laptop, cctv cameras, cellphones, at handheld radio.
Matatandaang una nang pinaigting ng mga otoridad ang operasyon kontra sa mga tulak ng ipinagbabawal na gamot kahit hindi pa umuupo sa pwesto si incoming Presdent Rodrigo Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.