COVID-19 positivity rate sa NCR, tumaas

By Chona Yu December 02, 2022 - 03:18 PM

 

Umakyat sa 11.9 percent ang COVID-19 positivity rate sa National Capital Region.

Ayon kay OCTA Research fellow Doctor Guido David, mula sa 9.4 percent na naitala noong Nobyembre 23, umakyat sa 11.9 percent ang positivity rate noong Nobyembre 30.

Sinabi pa ni David na ang pagtaas ng positivity rate ay kapareho ng pagtaas ng bilang nang tumama ang Omicron BA.5 variant sa bansa noong Hunyo at XBB variant noong Setyembre.

Base sa talaan ng Department of Health, nasa 14 na kaso ng BQ.1 ang na-detect sa bansa.

Sa naturang bilang, 13 ang local cases mula sa Cordillera Administrative Region, Regions 1, 4A, 7, at National Capital Region (NCR), the DOH said.

Samantala, tumaas din ang reproduction number sa NCR.

Mula sa 1.11 na naitala noong Nobyembre 21, tumaas ito sa 1.32 noong Nobyembre 28.

Tumaas din ang average daily attack rate (ADAR) at pumalo na sa 2.85 per 100,000 population.

Gayunman, nananatili naman ang hospital utilization sa NCR sa kabila ng pagtaas ng mga tinamaan ng COVID-19.

Base sa pinakahuling talaan ng DOH, nasa 1,238 na bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa buong bansa.

 

TAGS: COVID-19, news, positivity rate, Radyo Inquirer, COVID-19, news, positivity rate, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.