Panalo ni Clinton sa primary, gumawa ng kasaysayan sa US

By kathleen June 09, 2016 - 04:08 AM

 

hillary-victorySolido na ang pagkatalo ni Sen. Bernie Sanders sa laban para maging pambato ng Democratic Party matapos makapagtala ng makasaysayang panalo sa primary si Hillary Clinton.

Madaling nakuha ni Clinton ang panalo sa apat sa anim na estadong binaybay nila, kabilang na ang hitik sa delegado na New Jersey, na nagtapos sa California.

Dahil sa sunud-sunod niyang panalo, ngayon ay ipinagdiriwang ni Clinton ang matagal na niyang pagnanais na maging kauna-unahang babaeng mangunguna sa presidential ticket ng isang major political party.

Bago pa ang contests na naganap araw ng Martes sa Amerika, nasungkit na ni Clinton ang nominasyon ng kaniyang Democratic Party matapos makakuha ng sapat na dami ng kailangang delegates.

Bagaman napapalayo na siya sa bawat panalo ni Clinton sa mga estado, naninindigan pa rin si Sanders na ipagpapatuloy pa rin niya ang kaniyang kampanya hanggang sa huling contest sa District of Columbia sa susunod na linggo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.