Sen. Marcos: Onion farmers nahaharap sa malungkot na Christmas’ dahil sa planong importasyon
Nahaharap sa malungkot na Pasko ang mga nagtatanim ng sibuyas sa walong lalawigan kung itutuloy ng gobyerno ang importasyon ng sibuyas kasabay nang pag-aani ng sangkap panggisa.
Ayon kay Marcos aanihin na ng magsasaka sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Batanes, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya at Tarlac ang kanilang mga sibuyas sa ikalawang linggo ng buwan.
“More than 43% of red onion harvests in the next three months will take place in December, with Mindoro’s harvests to follow in January,” aniya, base na rin sa ulat ng Bureau of Plant Industry (BPI).
Nabatid na inaasahan na 5,537 metriko tonelada ng pulang sibuyas ang maaani ngayon buwan at aabot ito s 12,837 metriko tonelada hanggang sa Pebrero.
Ngayon P280 hanggang sa pinakamataas na P400 ang halaga ng kada kilo ng pulang sibuyas kayat inirekomenda ng BPI na mag-angkat ng sibuyas.
Sinabi ng senadora na bahagi na ng pag-manipula sa presyo ng mga mapang-abusong negosyante ang importasyon at kakutsaba nila ang tiwaling opisyal ng Department of Agriculture (DA).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.