LPG may pagtaas sa presyo ngayon araw

By Jan Escosio December 01, 2022 - 10:46 AM

May dagdag kalbaryo sa mga konsyumer ngayon Kapaskuhan, tataas ang presyo ng liquified petroleum gas (LPG) simula ngayon araw.

Sa abiso ang Petron Corp., P2.25 kada kilo ng kanilang LPG o cooking gas ang magiging pagtaas, samantalang P1.26 kada litro naman sa AutoLPG.

Ang presyo naman ng Solane-LPG ay tumaas ng P2.27 kada kilo.

Una nang inihayag ng Department of Energy (DOE) ang pagtaas ng halaga ng LPG  dahil sa pagtaas ng pangangailangan sa buong mundo, partikular na sa mga nasa na nakakaranas ng matinding tag-lamig.

Noong nakaraang buwan, P3.50 kada kilo ang itinaas ng cooking gas, at P1.95 sa bawat litro ng AutoLPG

 

 

TAGS: cooking gas, DOE, LPG, price hike, cooking gas, DOE, LPG, price hike

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.