P300 kada kilo ng sibuyas ikinagulat ng DA

By Jan Escosio November 30, 2022 - 09:25 AM

Inaalam na ngayon ng Department of Agriculture (DA) ang  posibleng dahilan nang pagtaas sa P300 kada kilo ang halaga ng pulang sibuyas.

Sinabi ni Agriculture Asec. Kristine Evangelista, nakikipag-ugnayan na sila sa Bureau of Plant Indusry (BPI) para malaman ang ugat ng paghataw ng presyo at para na rin malaman kung may kakulangan ng suplay.

Aniya inaasahan din niya na makakapagsumite ng inventory report ang BPI ngayon linggo.

Sinabi pa ni Evangelista na kung may kakulangan ng suplay, maaring magbago ito ngayon Disyembre dahil sa inaasahan na pag-ani ng mga nagtanim ng mga pulang sibuyas.

“Ngayon po, tinitignan natin kung gaano kalaki ang kanilang volume na iha-harvest dahil ito po ay makakatulong sa pagdagdag ng ating supply. At alam naman po natin na pag nadadagdagan ang ating supply, ‘yan din po ay makakatulong sa pagbaba ng presyo at sa price stability,” dagdag pa ng opisyal.

 

TAGS: bpi, DA, palengke, price hike, sibuyas, bpi, DA, palengke, price hike, sibuyas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.