P250B ipinangako ng Pag-IBIG Fund sa ‘Pambansang Pabahay’ program ni PBBM

By Jan Escosio November 29, 2022 - 10:33 AM

 

Pag-IBIG Fund Trustees: Pedrito Angeles, Atty Cornelio Aldon, Ma. Lorelei Fajardo, Secretary Jerry Acuzar, Pag IBIG Fund CEO Marilene Acosta, Mylah Roque, Anthony Cesar Arellano at USec Ireneo Vizmonte.

Mag-aambag ang Home Development Mutual Fund o Pag-IBIG Fund ng P250 bilyon sa Pambansang Pabahay para sa Pilipino – Six Million Housing Program.

Inaprubahan na ni Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Sec. Jose Rizalino Acuzar ang paglalaan ng nabanggit na halaga sa ‘flagship housing program’ ng administrasyong-Marcos Jr.

“This is a huge boost to our President’s Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program –a giant step towards realizing the dream of every Filipino family to have decent, safe and affordable shelters,” ani Acuzar.

Kumpiyansa ang kalihim na magtatagumpay ang programa dahil sa suporta ng Pag-IBIG Fund.

Sa ilalim ng programa, inatasan ni Pangulong Marcos Jr., ang kagawaran na magtayo ng isang milyong bahay kada taon hanggang 2028.

Samantala, pumirma ang Pag-IBIG Fund ng memorandum of agreement (MOA) kay Bacolod City Mayor Albee Benitez para sa konstruksyon ng 10,000 housing units para sa informal settler families (ISFs).

Ayon kay Acuzar dahil sa naturang kasunduan, nakita na ang potensyal ng housing program ng kasalukuyang administrasyon dahil sa partisipasyon na rin ng mga lokal na pamahalaan, government financial institutions (GFIs) at ang pribadong sektor.

“The Department of Human Settlements and Urban Development is in the right direction in providing adequate and affordable housing to fellow Filipinos,” ani Benitez.

TAGS: DHSUD, news, Pabahay, Pag-IBIG, Radyo Inquirer, DHSUD, news, Pabahay, Pag-IBIG, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.