TRO sa disqualification case laban kay Albay Governor Noel Rosal inihirit
By Chona Yu November 29, 2022 - 10:05 AM
Nanawagan ngayon sa Korte Suprema ang mga Albayanos at maging ang simbahan na magsagawa ng mabilis na aksyon sa inihaing petisyon ng kampo ni Albay Governor Noel Rosal.
Umaapela ang mga Albayano sa Korte Suprema na mag-isyu ngayon ng Temporary Restraining Order sa disqualification case laban sa gobernador.
Nauna ng diniskwalipika ng Commission on Elections ang gobernador dahil sa umanoy pamamahagi ng ayuda sa mga senior citizen at tricycle drivers noong eleksyon.
Si Governor Rosal ay nanalo via landslide victory nitong 2022 election at itong mga kasong kinakaharap niya ay isang malinaw political harassment mula sa mga kalaban nito sa pulitika na mga mayayaman at maimpluwensya sa Albay.
Base sa impormasyon, isa na rito si Ako Bicol Partylist Reppresentative Zaldy Co, kasalukuyang chairperson ng House committee on Appropriations.
Samantala, patuloy sa pagdagsa ang mga taga- suporta ni Governor Rosal sa Peñaranda freedom park habang tumutunog ang kampana sa plaza ng Albay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.