Salary hike sa government workers, pag-aralan hirit ni Sen. Bong Revilla
By Jan Escosio November 28, 2022 - 08:33 PM
Hiniling ni Senator Ramon Bong Revilla Jr., na ikunsidera ang pagbibigay ng umento sa mga kawani sa gobyerno kasunod ng mga panawagan na itakda sa P33,000 ang pinakamababang sahod sa gobyerno.
“Nararapat lamang na pag-aralan natin muli kung sapat pa ba ang natatanggap ng mga kawani ng ating gobyerno lalo na at tuluy-tuloy ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin. Sa susunod na taon, last tranche na ng umento sa sahod nila, kaya marapat lang na muli itong rebisahin”ani Revilla. Si Revilla, na namumuno sa Senate Committee on Civil Service, Government Reorganization and Professional Regulation ay hiniling ang komento ng Department of Budget and Management (DBM) hinggil sa posibilidad na pagtataas ng suweldo. At ayon sa kagawaran, ang pagtaas ng sahod ng mga nasa gobyerno ay kailangan ng aksyon ng lehislatura. “Government workers are the backbone of our bureaucracy. Our government is only as strong and effective as the people who work in it. Kaya suportahan natin sila sa pamamagitan ng pagwasto sa suweldo nila na akma at napapanahon,” dagdag pa nito. May panukala na rin si Revilla na tumaas ang Personnel Economic Relief Allowance (PERA) na ipinagkakaloob sa mga manggagawa ng pamahalaan.Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.