DSWD pinayuhan sa balak na pagsulat sa mga pabayang ama

November 25, 2022 - 12:19 PM

Kontra ang Department of Justice (DOJ) sa balak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na sulatan ang mga pabayang ama para magbigay ang mga ito ng suporta sa kanilang mga anak.

Sa kanyang opinyon, ayon kay Justice Sec. Jesus Crispin Remulla, tanging ang mga korte lamang ang maaring pumilit sa mga ama na magbigay ng suportang pinansiyal sa kanilang mga anak base pa rin sa kasong naisampa.

“Undoubtedly, the intention is noble; however, the act of doing so may be beyond the DSWD’s mandate for it may already constitute providing legal service to the minor child/children, which function legally belongs to some other agencies of the government, like the Public Attorney’s Office (PAO),” aniya.

Sinabi ni Remulla na ang tanging magagawa ng DSWD ay tulungan ang mga bata na inabandona ng kanilang mga ama na humingi ng saklolo sa PAO o sa iba pang grupo na nagbibigay ng serbisyong-legal.

Unang inanunsiyo ni Social Welfare Sec. Erwin Tulfo na plano niya na habulin ang mga tatay na hindi nagbibigay ng suporta sa kanilang mga anak.

TAGS: Crispin Remulla, dswd, news, Radyo Inquirer, Crispin Remulla, dswd, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.