‘Work Plan’ sa CIFs inihirit ng Senate minority

By Jan Escosio November 25, 2022 - 08:33 AM

Photo credit: Sen. Koko Pimentel/Facebook

 

Hiniling ng minoriya sa Senado na obligahin ng Department of Budget and Management (DBM) ang mga kinauukulang ahensiya na magsumite ‘work plan’ kaugnay sa paggasta ng kanilang intelligence o confidential funds (CIFs).

Sinabi nina Senate Minority Leader Koko Pimentel at Deputy Minority Leader Risa Hontiveros na ang ‘work plan’ ay maaring pagbatayan kung maayos ang paggamit sa CIFs.

Ayon kay Pimentel. bago ang konsepto ng ‘work plan’ at tiwala siya na makakatulong ito para gamitin na basehan kung may pang-aabuso sa paggamit ng CIFs.

Naniniwala din ang senador na maari din itong pagbasehan kung kapos o malaki ang naibigay na CIFs.

Bukod sa ‘work plan,’ pagbabasehan din sa mga susunod na paglalaan ng pondo ang ‘accomplishment report’ na isusumite sa Commission on Audit (COA) ng mga ahensiya na binigyan ng CIFs.

TAGS: Budget, Koko Pimentel, news, Radyo Inquirer, Risa Hontiveros, Budget, Koko Pimentel, news, Radyo Inquirer, Risa Hontiveros

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.