Pulis hinatulang guilty sa pag-torture sa dalawang drug war victims

By Chona Yu November 24, 2022 - 06:49 AM

 

Guilty ang naging hatol ng korte sa isang pulis dahil sa pagtatanim ng ebidensya at pag-torture sa dalawang binatilyo na sangkot sa ilegal na droga noong 2017.

Ayon sa desisyon ng Caloocan City Regional trial Court Branch 122 Judge Rodrigo Pascua Jr., guilty sa kasong dalawang counts ng torture si PO1 Jefrey Perez.

Si Perez ang nag-torture at nagtanim ng ebidensya kina Carl Angelo Arnaiz at Reynaldo “Kulot” de Guzman.

Nilagyan ni Perez ng plastic sachet na may laman na marijauan at shabu at revolver nab aril sina Arnaiz at de Guzman para palabasin na nanlaban habang inaaresto.

Agosto 17,2017 nang maiulat na nawawala sina Arnaiz at de Guzman.

Agosto 28 nang makita ang bangkay ni Arnaiz sa isang punerarya sa Caloocan na tadtad ng tama ng baril sa katawan.

Isang buwan naman ang nakalipas bago natagpuan ang bangkay ni de Guzman sa isang sapa sa Gapan, Nueva Ecija na may 25 saksak sa katawan.

Ayon sa pulis, sangkot umano ang 19-anyos na dating estudyante ng University of the Philippines na si Arnaiz sa pang-hoholdap sa isang taxi driver at nanlaban umano sa mga rumespondeng pulis.

Pero ayon sa testigo, nakita niya si Perez na kasama si Arnaiz na naka-posas at binaril ng tatlong beses.

Nagmakaawa pa umano si Arnaiz na susuko na pero tinuluyan pa rin ng pulis.

 

TAGS: guilty, kulot, news, Perez, Pulis, Radyo Inquirer, guilty, kulot, news, Perez, Pulis, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.