Wala ng balakid at ganap nang magagawa ni Secretary Manuel Bonoan ang kanyang mga trabaho bilang kalihim ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Inaprubahan na sa plenaryo ng Commission on Appointments (CA) ang kanyang ad interim appointment.
Si CA Majority Leader Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte ang nag-mosyon na aprubahan na ang appointment ni Bonoan hanggang sa plenaryo.
Natanong lamang si Bonoan ni Sen. Grace Poe ukol sa ‘big ticket’ items ng administrasyong-Marcos Jr., at tugon ng kalihim, ipinagbilin sa kanya na tutukan ang National Road System at pag-ugnayin ang mga rehiyon para sa madali na pagbiyahe.
Apatnaput apat na taon sa DPWH si Bonoan, bago naging consultant sa San Miguel Corp., kasunod nito ay pinamunuan niya ang tatlong sub-companies ng naturang korporasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.