Bilang ng bagong COVID-19 cases bumaba sa nakalipas na isang linggo – DOH
Nakapagtala ng karagdagang 8,004 bagong kaso ng COVID 19 sa bansa sa nakalipas na isang linggo, ayon sa Department of Health (DOH).
Ang naitalang mga bagong kaso ng Nobyembre 14 hanggang 20 ay mababa ng 12 porsiyento kumpara sa naitala sa sinundan na isang linggo.
Lumalabas na ang bagong daily average ng mga tinamaan ng sakit ay 1,143.
Dalawa ang bagong critical infections ang naitala, samantalang may 568 pasyente ang kritikal ang kalagayan sa mga ospital.
Nadagdagan ng 93 ang namatay dahil sa sakit, kasama na ang 28 noong Nobyembre 7 hanggang 20.
May 4,025,917 na ang nagsakit ng COVID 19 sa bansa, higit 3.9 milyon sa mga ito ang gumaling samantalang higit 64,000 ang binawian ng buhay.
Base sa huli tala, may 18,647 active cases sa bansa sa kasalukuyan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.