Higit 1 porsiyento ng public schools pa lang ang may free wifi – Gatchalian

By Jan Escosio November 21, 2022 - 02:04 PM

Ibinahagi ni Senator Sherwin Gatchalian na 1.8 porsiyento pa lamang ng public schools sa bansa ang may libreng wifi alinsunod sa Free Internet Access in Public Places o ang RA 10929.

Binanggit ito ni Gatchalian sa deliberasyon sa pondo ng Department of Information and Communications Technology (DICT).

Hiniling ng senador sa DICT na tiyakin na maabot ang itinakdang target ng bilang ng mga paaralan na magkakaroon ng libreng wifi at iba pang mga pampublikong lugar.

“Ang ating mga mag-aaral ang makikinabang dito dahil paiigtingin nito ang pagdaloy ng impormasyon, lalo na para sa mga kababayan nating nangangailangan,” ani Gatchalian.

Nabatid na hanggang noong nakaraang Setyembre 2, 860 lamang sa 47,421 public schools ang may librenf wifi base sa Free Public Wifi Dashboard.

Sa ilalim ng panukalang national budget para sa 2023, P2.5 bilyong  ang nakalaan para sa pagpapatupad ng Republic Act No. 10929.

TAGS: free wifi, Internet, public schools, free wifi, Internet, public schools

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.