Bilang ng 2022 Bar exam takers natapyasan sa huling araw
Huling araw na ngunit nabawasan pa ang bilang ng mga kumuha ng eksaminasyon upang maging abogado.
Sa 10,006 kandidato, 9,183 lamang ang nakatapos ng ikaapat at huling araw ng eksaminasyon, ayon sa Korte Suprema.
Sa impormasyon mula sa Supreme Court Public Information Office, nangangahulagan ito na 91.77 porsiyento lamang ang nakapagtapos mula sa 92.01 porsiyentong attendance rate noong Nobyembre 9, ang unang araw ng Bar.
Paliwanag pa ng SC-PIO, ang inilabas na bilang ay base sa mga kumuha pa ng eksaminasyon kahapon ng hapon sa 14 examination sites sa ibat-ibang bahagi ng bansa.
Nabatid na isa sa mga kandidato na kumuha pa ng eksaminasyon kahapon ng umaga ay umatras at hindi na kinuha ang pang-hapon na eksaminasyon.
Bago ang Bar exams ngayon taon, may mga humiling na ipagpaliban ito dahil sa pinsalang idinulot ng bagyong Paeng.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.